13 katao, patay matapos ma-trap sa isang binahang tunnel sa China

84

13 katao ang patay habang isa ang nakaligtas matapos ma-trap sa isang binahang tunnel sa Zhuhai, China.

Ayon sa otoridad, tumagas ang tubig sa isang tunnel sa Shijingshan na ginagawang reservoir kung saan na-trap ang 14 na manggagawa higit isang kilometro mula sa entrance.


Ang nasabing tunnel ay parte ng major expressway sa Zhuhai sa Guangdong province na umuugnay sa Macau at Hong Kong.

Samantala dahil sa malawakang pagbaha dulot ng pag-ulan, umakyat na sa 25 ang nasawi sa Henan, China.

Facebook Comments