Aabot sa 13 koponan ang maghaharap sa kauna-unahang Philippine Basketball Association (PBA) 3×3 tournament.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, bubuksan ang torneo sa ikatlo o huling linggo ng Nobyembre.
Ilan sa mga kalahok na koponan ang Northport Batang Pier, Purefoods TJ Giants, TNT, Cavitex, SMB, Meralco Bolts, Terrafirma Dyip, Limitless App, Sista Super Sealers at Barangay Ginebra.
Habang magiging guest teams ang Pioneer Pro Tibay, Platinum Karaoke at ang Zamboanga Valientes MLV.
Paliwanag naman ni PBA 3X3 Chairman Dickie Bachmann, ang isang season ng liga ay bubuuin ng tatlong kumperensya naa may anim na leg at isang grand final.
Facebook Comments