13 Lalaki, Dinakip Dahil sa Pakikipagsabong sa Gitna ng GCQ

27

*Cauayan City, Isabela- *Inaresto ng mga alagad ng batas ang 13 katao matapos maaktuhang nagsasabong Barangay Caggay, Tuguegarao City.


Nakilala ang mga suspek na sina Nelson Baccay, 42 anyos; Jacinto Baccay Jr. 35 anyos; Simeon Biazon Jr.; 55 anyos; Jay-R Bartolome, 34 anyos; Erwin Balunsant, 40 anyos; Jaylord Danao, 31 anyos; Rodolfo Aquino, 32 anyos; Melecio Calubaquib III, 23 anyos; Demar Simpliciano, 36 anyos; Raymond Gosiengfiao, 31 anyos; Anthony Ventura, 45 anyos; Nelson Serato, 51 anyos; Dindo De Ocampo, 41 anyos na pawang mga residente ng Tuguegarao City, Cagayan.

Naaktuhan ng pinagsanib na pwersa ng PNP Tuguegarao City at Provincial Intelligence Unit ang mga suspek na kasalukuyang nakikipagsabong sa naturang lugar.

Naalarma ang mga ito nang dumating ang mga otoridad na kung saan ay nakatakas ang dalawa (2) pang suspek dala ang panabong na manok at bet money.

Nakumpiska naman sa mga nahuling suspek ang 18 pirasong tari, iba’t-ibang cock fighting paraphernalia at isang (1) piraso ng mini digital weighing scale.

Unang dinala sa ospital ang mga suspek para sa medical examination bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments