13 leader-level engagements, dadaluhan ni PBBM sa 43rd ASEAN summit sa Indonesia

Courtesy: Presidential Communications Office

13 leader-level engagements ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 43rd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Jakarta Indonesia.

Kabilang sa mga dadaluhan ng pangulo ang ASEAN Summit Plenary Session, opening ceremony ng ASEAN Indo-Pacific Forum, at 43rd ASEAN Summit Retreat Session.

Dadalo rin ang pangulo sa 26th ASEAN-China Summit, 24th ASEAN-Republic of Korea Summit, 26th ASEAN-Japan Summit, 26th ASEAN Plus Three Summit, ASEAN-US Summit, at ASEAN-Canada Summit.


Dadalo rin si Pangulong Marcos sa 20th ASEAN-India Summit, 18th East Asia Summit, 3rd ASEAN-Australia Summit, at 30th ASEAN-UN Summit.

Una rito, sinabi ni Pangulong Marcos na tatalakayin niya sa ASEAN ang usapin sa West Philippine Sea.

Nasa Indonesia si Pangulong Marcos hanggang September 7.

May bilateral meetings din si Pangulong Marcos sa ilang kapwa ASEAN leaders.

Kabilang na sina Cambodia’s new Prime Minister Hun Manet, South Korean President Yoon Suk Yeol, Timor Leste Prime Minister Xanana Gusmão, at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh.

Pagpapalawak at pagpapalalim sa bilateral cooperation ang target ni Pangulong Marcos sa mga bilateral meetings.

Facebook Comments