13 LGUs, nasa ‘critical’ at ‘high risk’ ng COVID-19 ayon sa OCTA

Inilagay ng OCTA Research ang Cagayan De Oro at Mariveles, Bataan bilang “critical risk” areas para sa bagong COVID-19 infections.

Sa July 18-24 monitoring report, sinabi ng OCTA Research na sobrang mataas ang naitatalang bagong kaso sa Cagayan de Oro na nasa 117 cases per day.

109% itong mataas kumpara sa 56 cases mula July 11 hanggang 17.


Nasa 1.54 ang infection rate, at aabot na sa 85% ang ICU utilization at 27% ang positivity rate.

Para sa Mariveles, ang COVID-19 infection rate ay nasa 1.45.

Bukod dito, ang Davao City, Cebu City, Iloilo City, Makati City, Lapu-Lapu City, General Santos City, Baguio City, Laoag City, Mandaue City, Las Piñas City at Valenzuela City ay nasa ‘high risk’ areas para sa COVID-19.

Facebook Comments