Umabot na sa 13 lugar sa bansa ang apektado ng African Swine Fever.
Kabilang na rito ang ilang Barangay sa Bulacan, Pangasinan at Pampanga.
Ayon kay Dept. of Agriculture Sec. William Dar, mahigpit ding binabantayan ang pagbibiyahe ng mga karneng baboy mula sa mga apektadong lugar.
Muling nilinaw ng kalihim na ligtas pa rin ang pagkain ng karneng baboy.
Tiniyak din ng DA na isinasailalim na nila sa Quarantine ang mga nagkakasakit na baboy para hindi na ito kumalat sa iba pang mga lugar.
Facebook Comments