MANGALDAN, PANGASINAN – Nasagip ng mga awtoridad ang labing tatlong menor de edad sa ikinasang oplan sita sa Mangaldan.
Ang mga bata ay nakitang palaboy-laboy at namamalimos sa Central Business ng bayan.
Lima (5) bata sa mga ito ay residente ng San Jacinto, pito sa Mangaldan at isa sa Mapandan.
Ikinasa ang Oplan Sita kasama ang Market Division, PNP Mangaldan at ang Municipal Social Welfare and Development office.
Ayon kay Benigno De Guzman, Administrative II ng MSWDO, inihatid ang mga bata sa kani-kanilang tahanan at pinakiusapan ang mga magulang na huwag payagang palabasin ang kanilang mga anak dahil sa maaring panganib na dala ng pandemya.
Samantala, isinagawa din ang Oplan Sita sa mga vendors at market goers sa palengke ng bayan upang mabigyan ng babala ang mga ito sa pagsunod sa health protocols.