13 most wanted at 12 chinese, na-aresto sa mga kinasang police operations sa bansa

Sa pinagsanib pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF), at iba pang regional at local police units sa bansa ay matagumpay na naaresto ang 13 most wanted individuals at 12 chinese nationals matapos ang isinagawang mga police operations noong Oktobre 15.

Kung saan ang ilan sa mga naaresto ay may mga kasong rape, pagpatay, pagnanakaw, pamemeke ng dokumento, at paglabag sa Anti-Cyber Crime Law .

Kaugnay nito, ang lahat ng mga naaresto ay nasa kustodiya na ng kani-kanilang mga pulisya kung saan inaayos na ang mga dokumento pati na rin ang pagturn-over nito sa nag-isyung korte.

Samantala, sa isinagawang joint operation sa Tacloban City, nahuli ang 12 chinese nationals matapos nilang labagin ang Philippine immigration and alien registration laws.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga nasabing nahuling chinese nationals kung saan pinoproseso na ang kanilang disposisyon.

Tiniyak naman ng PNP na paiigtingin pa nila ang paghuli sa mga wanted persons at mga lumalabag sa batas sa buong bansa.

Facebook Comments