13 national road sa Luzon at Visayas, sarado pa rin sa mga motorista dahil sa Bagyong Kristine

Ilang kalsada pa rin sa iba’t ibang rehiyon ang hindi madaanan kasunod ng pananalasa ng Bagyong Kristine noong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), may 13 pang bahagi ng national road ang sarado sa mga motorista hanggang ngayong Lunes.

Isa rito ang naitala sa Cagayan Valley, dalawa sa Central Luzon, tatlo sa CALABARZON, isa sa MIMAROPA, lima sa Bicol region, at isa sa Central Visayas.


Karamihan anila ay mga mataas pa rin ang tubig baha, sira ang kalsada, may mga naitalang landslide at rockslide, at mga bumagsak na poste.

Tatlong tulay din ang hindi pa madaanan dahil sa malawakang baha at nasirang bahagi ng tulay.

Samantala, 14 naman ang national road sections na limitado lamang ang access para sa mga motorista.

Facebook Comments