Bibigyang pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 13 Overseas Filipino Workers (OFWs) para sa kanilang mahahalagang serbisyo sa bansa.
Ayon kay Commission on Filipinos Overseas Director Rodrigo Garcia Jr., ang naturang mga Pilipino ay tatanggap ng Presidential Awards for Overseas Filipinos and Individual Overseas sa December 11.
Ito ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng gobyerno sa natatanging OFWs.
Ang ilan sa mga pararangalan ay nagtrabaho sa medical field na malaki ang kontribusyon sa COVID-19 pandemic.
Kasama rin sa pararangalan ang organisasyon at dalawang dayuhan na nagpamalas ng tulong at malasakit sa mga Pilipino.
Kasabay nito, idineklara rin ng pamahalaan ang buwan ng Disyembre bilang Month of Overseas Filipinos para sa mga Pilipinong umuuwi sa bansa tuwing holiday season, ang mga ito man ay OFW, seafarer, o permanenteng residente o immigrant na sa ibang mga bansa.