13 Opisyales ng GOCC na APO Production Unit inireklamo ng patung-patong na kaso sa Ombudsman dahil sa P450M Tobacco Stamp Project

Patung-patong na kasong graft, grave misconduct at paglabag sa procurement law ang kinakaharap ni Michael Dalumpines ang Chairman at President ng Asian Productivity Organization (APO) Production Unit at 12 iba pang mga matataas na opisyales ng nabanggit na ahensya na isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC).

Ito ay kasunod ng umano’y maanumalyang bidding sa ₽450 milyong pisong proyekto para sa paggawa ng Tobacco Stamps na gagamitin ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa 16 na pahinang Complaints Affidavit, hindi umano dapat na maglabas ng Notice of Award ang APO Bids and Awards Committee pabor sa IRSIS Corporation at Mara Linux and Business Solutions Joint Venture dahil sa bigong makasunod sa procurement procedures.


Bukod sa kawalan ng kapabilidad sa aspetong teknikal, tahasan din umanong binalewala ng ng Asian Productivity Organization- Bids and Awards Committee (APO-BAC) ang rekomendasyon ng Technical Working Group na nagdidisqualify sa IRSIS Joint Venture.

Ang naghain ng reklamo ay isang Myrna Gonzales Assistant Sales Manager ng Kolonwel Trading isa sa natalong bidder.

Bukod kay Dalumpines, kabilang din sa inireklamo ang anim na Board of Trustees ng APO at anim na iba pang miyembro ng BAC.

Ang APO Production Unit ay isang GOCC na responsable sa pag-iimprenta ng BIR Seal, pasaporte at iba pang mga resibo na ginagamit ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

 

Facebook Comments