Nabigyan ng kuryente ang 13 tahanan o 16 pamilya sa Sitio Maharlika, Barangay Uno, Laoag City.
Ang pagpapasilaw sa mga kabahayan ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC), Provincial Government of Ilocos Norte, at Laoag City Government.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga pamilyang inilikas mula sa kanilang dating tirahan upang bigyang-daan ang pagtatayo ng Ilocos Norte Central Terminal Hub sa Barangay 5.
Layunin ng proyekto na matiyak ang maayos na pamumuhay ng mga inilikas na residente sa kanilang bagong komunidad.
Facebook Comments









