13 pang kadete ng PMA mahaharap sa parusa; 4 dito posibleng matanggal sa akademya dahil sa pagkamatay sa hazing ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio

Mahaharap rin sa parusa ang labing tatlong kadete ng philippine military academy na sinasabing sangkot sa pag hazing sa nasawing  si  4th Class Cadet Darwin Dormitorio sa akademya sa Baguio City.

 

Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo anim na senior cadet ang mahaharap sa administrative proceedings, apat at maaring matanggal sa PMA, dalawa ay maparusahan ng suspension at isang kadete ay mahaharap sa penalty.

 

Nanatili naman  sa PMA stockade  ang  dalawa sa tatlong primary suspek sa pagpatay kay Dormitorio habang ang isang suspek ay nasa holding center ng PMA  na ngayon ay bantay sarado.


 

Sinabi pa ni Arevalo bukas Sept 24 nakatakda ng sampahan ng kasong kriminal ang tatlong primary suspek sa Baguio City.

Facebook Comments