13 Pasaway sa ECQ, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Muling nakahuli ang PNP Tumauini ng mga lumalabag sa direktiba kaugnay ng Enhanced Community Quarantine.

Nasa 13 katao na kinabibilangan ng 6 menor de edad ang naaresto ng mga pulis sa magkahiwalay na checkpoints sa naturang bayan.

Unang nahuli ng mga alagad ng batas ang anim na katao sa Brgy. District 3 dahil sa paglabag ng mga ito sa social distancing at walang maipakitang home quarantine pass.


Sa barangay Lanna ay dinakip rin ang 7 katao dahil sa hindi pagsusuot ng mga ito ng facemask, walang quarantine pass at lumabag sa social distancing.

Ayon kay PMaj. Rolando Gatan, hepe ng pulisya, patuloy pa rin ang kanilang paghuli sa mga taong hindi sumusunod sa ipinatutupad na ECQ.

Facebook Comments