13, patay sa Bagyong Nando at Mirasol

Umakyat na sa 13 ang naitalang nasawi sa pananalasa ng nagdaang Bagyong Nando, Mirasol at Habagat.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlo rito ang kumpirmado habang 10 ang patuloy pang beneberipika.

Samantala, 17 ang naitalang sugatan habang mayroon pang dalawang nawawala.

Sa pinaka-huling impormasyon mula sa NDRRMC nasa 224,549 pamilya o katumbas ng mahigit sa 915,000 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon mula sa 1,672 barangays sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Gitnang Luzon, National Capital Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at BARMM.

Facebook Comments