MEXICO – Umabot na sa 13 ang bilang ng mga namatay habang nasa 136 ang sugatan sa pagsabog ng isang planta ng langis sa Mexico.Ang sumabog na planta ng Petroquimica Mexicana de Vinilo (PMV) ay pag-aari ng Pemex.Ayon kay Luis Felipe Puente, Senior Civil Protection Official ng State Interior Ministry, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga namatay dahil na rin sa dami ng mga nasugatan kung saan karamihan sa mga ito ay nasa kritikal na kondisyon.Sinabi naman ni Jose Antonio Gonzalez, Chief Executive ng Pemex na ang pagsabog ay dahil sa umano’y pag-leak ng langis sa planta.Aabot na sa 100 mangagawa ng planta at 2,000 na residenteng malapit sa lugar ang inilikas.
Facebook Comments