
Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Pilipinas na na-rescue China Coast Guard ang 13 Filipino crew members ng lumubog na barko sa Tsina kaninang madaling araw.
Ayon sa Embahada, unang nakatanggap ng report ang Maritime Search and Rescue Center ng Sansha City, Hainan Province, hinggil sa foreign cargo vessel na lumubog 55 nautical miles northwest Huangyan Dao.
Kabuuang 21 Pinoy crew members ang sakay ng barko pero sa ngayon, 13 tripulanteng Pinoy pa lamang ang narerescue.
Inihayag ng Chinese Embassy na agad na nagdispatcha ang China Coast Guard ng dalawang barko para sa search and rescue operations.
Sa ngayon anila, patuloy ang paghahanap sa walong iba pang nawawalang Pinoy crew.
Facebook Comments










