13 Pinoy mula sa Ukraine, nakarating na ng border sa Poland

Nakalagpas na ng Polish border ang 13 Pinoy mula Ukraine matapos ito lumikas dahil sa nagpapatuloy na giyera ng Russia at Ukraine.

Personal na tumungo si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Poland upang salubungin ang Filipino repatriates na lulan ng bus mula sa Lviv.

Sinamahan ni Ambassador Leah Basinang-Ruis ang naturang grupo ng mga Pilipino.


Bahagi ito ng pagsisiguro ng DFA sa kaligtasan ng mga Pilipino sa Ukraine.

Patuloy na nagpaalala ang DFA sa mga Pilipino sa Ukraine na mag-ingat at panatilihin ang komunikasyon nito sa Philippine Embassy sa Lviv o kaya sa Consulate General sa Kyiv kung sakaling kailanganin ng agarang tulong.

Facebook Comments