13 Pinoy sa Indonesia, positibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 13 mga Pilipino sa Indonesia ang tinamaan ng COVID-19.

Sa harap ito ng pag-spike ng kaso ng infection sa nasabing bansa.

Ayon sa DFA, ang naturang mga Pilipino ay patuloy pang nagpapagaling sa nasabing bansa.


Sa ngayon, mayroong kabuuang 8,586 na mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Indonesia.

Una nang isinama ng Pilipinas sa travel ban ang Indonesia matapos ang paglobo ng kaso ng COVID-19 doon.

Facebook Comments