13-point Teacher’s Dignity Agenda, naisumite na ng TDC kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio; pagtaas sa sahod ng mga guro, isa sa mga prayoridad!

Naisumite na ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ang kanilang 13-point Teacher’s Dignity Agenda kay Vice President and Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni TDC Chairperson Benjo Basas na isa mga prayoridad nila na taasan ang sweldo ng mga guro.

Aminado aniya sila na maraming kinokonsidera ang DepEd hinggil sa kanilang panawagan, pero patuloy nila itong isusulong para sa kapakanan ng mga guro sa bansa.


Paliwanag kasi ni Basas na dapat ang sahod ng mga guro ay naka-base sa Magna Carta for Public School Teachers, hindi dapat sa Salary Standardization Law (SSL) ng gobyerno.

Dagdag ni Basas, patuloy na rin sila nakikipag-ugnayan hinggil sa usapin na bawasan sa mga guro ang administrative task at mag-hire ng maraming non-teaching personnel para gumawa ito.

Kaugnay nito, aminado rin ang TDC na hindi 100% ng kanilang kahilingan ay ipapatupad ng DepEd sa ilalim ng liderato ng pangalawang pangulo.

Pero, handa silang mag-antay hanggang maisakatuparan ang kanilang mga panawagan.

Facebook Comments