Nai-turnover na sa Bureau of Customs (BOC) ang 13 luxury cars ng pamilya Discaya na nasa loob ng St. Gerrard Construction Compound sa Pasig City.
Mag-aalas 2:00 ng madaling araw kanina nang hatakin ang ilang mga mamahaling kotse sa loob ng naturang compound papuntang BOC sa Manila.
Bantay-sarado ng pinagsamang pwersa ng Bureau of Customs, Philippine Coast Guard (PCG) at Pasig City Police ang paligid ng compound.
Sa inisyal na ulat na ating nakalap, nasa 10 mamahaling kotse na ang kasalukuyang nasa pangangalaga na ng BOC.
Habang ang tatlo naman ay kasalukuyan nang dadalhin sa BOC kung saan ginamitan na ng tow truck ang dalawa.
Matatandaang sinelyuhan ito ng BOC noong Setyembre 3 upang imbestigahan kung dumaan ba ito sa proseso ng Customs law.
Facebook Comments









