3 sibilyan, sugatan matapos masunog ang Camp Evangelista sa CDO

Nagtamo ng mga sugat at paso sa katawan ang 3 mga sibilyan sa nangyaring sunog sa imbakan ng armas ng militar sa Ammunition Complex sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro (CDO) City.

Ayon kay Major Franciso Garello Jr., tagapagsalita ng 4th Infantry Division ng Philippine Army natamaan ng shrapnel ang 3 sibilyan.

Gayunman, minor lang ang kanilang sugat at patuloy na nagpapagaling sa Camp Evangelista Station Hospital.


Base sa inisiyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog pasado alas-12 ng hatinggabi kung saan naapula ito dakong alas 3:10 kaninang madaling araw.

Nabatid na sa nangyaring sunog, nagkaroon ng serye ng mga malalakas na pagsabog dahil maraming nakaimbak na armas at mga bala sa lugar.

Kasalukuyan pang inaalam ang pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments