Kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PBGen. Romeo Caramat Jr., na tinanggal niya sa pwesto ang 10 Police Non Commissioned Officers at tatlong Police Commissioned Officers ng CIDG.
Ito’y dahil sa isyu ng hulidap na kinasangkutan ng 13 mga pulis laban sa ilang Chinese nationals na kanilang inaresto dahil sa mahjong sa isang kwestyonableng raid sa Parañaque nitong March 13.
Kasama sa inalis sa pwesto ay si CIDG-NCR Chief Police Col. Hansel Marantan dahil sa isyu ng command responsibility.
Mismong ang mga biktima kasi ang nagsumbong kay PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia na tinangay ng mga ito ang ilang mamahaling relo, mamahaling bag, alahas at P3-M sa vault ng mga biktima.
Nanghingi rin umano ng pera ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng mga Chinese na nahuling nagsusugal.
Kasunod nito, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang CIDG hinggil sa naturang insidente.