13 turista sa Palawan nailigtas matapos lumubog ang sinasakyang bangka

Na-rescue ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang 13 mga turista na pasahero ng lumubog na motorized na bangka sa karagatang sakop ng Puerto Princesa City.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nasiraan ng makina ang sinasakyang bangka ng mga turista na minamando ng isang Joemar Mueden sa may bahagi ng Barangay Manalo at Barangay Maruguyon, Puerto Princesa City.

Dahil sa lakas ng hangin at alon kaya lumubog ang bangka.


Ang mga turista ay galing sa Isla Puting Buhangin sa Barangay Manalo sakop ng Puerto Princesa City.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PNP maritime group 2nd Special Operations Unit at iniligtas ang mga turista.

Facebook Comments