
Inanunsyo ngayon ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na sa 13 volcanic earthquakes ang naitala ng ahensiya sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island sa loob ng nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs, bukod dito ay nasa 2,781 na tonelada ng asupre ang naitala mula sa Bulkang Kanlaon na nananatili sa Alert Level 1.
Paliwanag pa ng Phivolcs sa patuloy na pag-oobserba ng ahensiya, nasa 150 metrong taas, katamtaman, walang patid na pagsingaw na napadpad sa Timog-Kanluran at Kanlurang direksyion at nanatili ang pamamaga ng lupa o dalisdis ng Bulkan.
Bunsod nito, patuloy ang pagbabawal ng anumang human activities sa 6 km Radius mula sa crater at ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang sasakyang panghipapawid na lumapit sa crater ng Bulkan Kanlaon.









