13-year-old na Pinay singer, grand winner ng “The Voice Kids UK 2020”

Photo Courtesy: The Voice Kids UK 2020 | Twitter

Itinanghal na grand winner ng “The Voice Kids UK 2020” ang thirteen-year-old Filipino singer na si Justine Afante na nakabase sa Swansea, Wales.

Si Afante ay pambato ng Pixie Lott’s team o ni Coach Victoria Louise Lott na isang kilalang singer, songwriter at actress sa United Kingdom.

Sa finale, pinabilid ni Afante ang apat na coach sa kanyang rendition ng “Listen” ni Beyonce.


Ayon sa mga coach, napahanga sila sa unique, espesyal at incredible na performance ng Pinay singer.

Hindi naman makapaniwala si Afante na siya ang grand winner ng The Voice Kids UK lalo na’t hindi niya inisip na mananalo.

Facebook Comments