13 years old at pataas na mga taxi, pagbabawalan nang bumiyahe – LTFRB

Manila, Philippines – Mas hinigpitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang parusa sa mga pasaway na taxi drivers.

Kasunod na ito ng inaprubahan nila na 40-pesos na permanenteng flagdown rate sa taxi, P13.50 na dagdag sa bawat kilometrong distansya ng biyahe at dalawang piso sa bawat minuto na travel time.

Ayon kay LTFRB spokesperson Atty. Aileen lizada – nakikipag-ugnayan sila sa Land Transportation Office para sa pag-review ang mga regulasyon sa ilalim ng joint administrative order para sa mga isnabero, nangongontratang at iba pang pasaway na driver.


Sisilipin na rin aniya ng LTFRB ang mga taxi na phase out na o yung nasa edad labing tatlong taon na pataas.

Facebook Comments