13 years old sa Dagupan City nalunod habang naliligo, patay

58

Bangkay na ng matagpuan ang isang binatilyo sa ilog ng Caranglaan District sa Dagupan City.

Sa report ng pulisya ay nagtungo ang magulang ng binatilyo upang ireport na nawawala ang kanilang anak. Ito umano ay nagpaalam na maliligo lamang sa ilog kasama pa ang dalawa nitong kaibigan na bigong makauwi sa kanilang tahanan.


Kinilala ang biktima na sa Luigi Villanueva, 13 years old at residente ng Malued, Dagupan City.

Makalipas ang dalawang araw at saka na lamang natagpuan ang bangkay ng binatilyo ng Coast Guard at PNP Dagupan na palutang lutang.
Paalala ng PNP na huwag basta basta hayaang naliligo sa ilog ang mga anak lalo na’t madalas na ang pag-ulan kaya naman tumataas na ang lebel ng tubig.

Facebook Comments

From Advertisers