1:30 contact tracing ratio, “virtually impossible” na maabot – DILG

Inamin ng Department of the Interior and Local Government na imposibleng maabot ang ideal na contact tracing ratio sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Ito ang reaksyon ni DILG spokesperson Jonathan Malaya matapos punahin ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mababang contact tracing efficiency ratio sa bansa.

Ayon kay Magalong, ang ideal ration para sa urban setting ay 1:30 hanggang 37 habang 1:25 hanggang 30 sa rural areas.


Pero giit ni Malaya, hindi talaga kakayanin na maabot ang ratio lalo ngayon na nakapagtala ang bansa ng mahigit 7,000 bagong kaso ng sakit.

Sa ngayon, nasa 225,000 na ang kabuuang bilang ng mga na-hire na contact tracers ng DILG sa buong bansa kung saan 10,000 rito ay naka-deploy sa Metro Manila.

Facebook Comments