Tiniyak ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na mananatili ang 30% hanggang 40% o nasa 390,000 ng 1.3-M beneficiaries sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na una nang inihayag na matatanggal.
Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations ay ipinaliwanag ni Tulfo na ang hindi pagtanggal sa naturang mga beneficiaries ay resulta ng kanilang ginawang kunsultasyon.
Inilahad ni Tulfo na noong i-anunsyo nila ang pag-alis sa 1.3 milyong 4Ps beneficiaries ay marami ang umalma dahil kakaunti o halos wala sa kanila ang yumaman nitong pandemya.
Sabi ni Tulfo, patuloy pa rin ang ginagawang validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba pang mga 4Ps beneficiaries.
Pinagsusumite naman ni Tulfo ang mga grupo ng 4Ps beneficiaries ng listahan ng mga pwede nang alisin na kanilang ikukumpura sa mga listahan ng DSWD gaya ng listahanan 3, Municipal Link at 4Ps list, na “safety net” ng kagawaran upang hindi maging basta-basta ang pagtatanggal ng mga benepisyaryo.
Sa ilalim ng 2023 budget ay na P115 B ang inilaan para sa 4Ps.