Bukidnon – Sumuko sa pamahalaan ang 130 mga miyembro ng New People’s Army sa Sumilao, Bukidnon kaninang umaga.
Ayon kay Captain Norman Tagros, ang tagapagsalita ng 403rd Brigade ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, kabilang sa mga sumuko ang dalawang regular na miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Habang 35 ay miyembro ng Militia ng Bayan at 93 mga CPP-NPA supporters o mga miyembro ng Underground Mass Organizations.
Sabay-sabay na sumuko ang mga ito mismong sa Municipal Gymnasium ng Sumilao, Bukidnon.
Isinuko rin ng mga rebeldeng ito ang kanilang 34 na mga iba’t-ibang matataas at mababang klase ng mga baril at isang pampasabog.
Sa ngayon inihahanda ng lokal na pamahalaan ng Bukidnon ang Comprehensive Local Integration Program para sa mga sumukong NPA member nang sa ganun mabigyan sila ng livelihood assistance, pabahay, trabaho at iba pa.