1,300 teams na may eksperto sa public health, mental health, nutrition, at sanitation- idineploy na ng DOH para sa mga sinalanta ng Bagyong Tino

Nagpadala ng mahigit 1,300 na Health Emergency Response Teams o HERTs ang Department of Health (DOH) para sa mga rehiyong naapektuhan ng Bagyong Tino, partikular ang Visayas at Negros Island.

Kabilang sa mga nag-deploy ng tauhan ang mga karatig-rehiyon gaya ng MIMAROPA at Caraga.

Ang Quad Cluster Team ay may sapat sapat na kaalaman sa First-aid at check-up

Sila ay tumutulong din sa pagmonitor sa mga may sakit sa mga health facilities at evacuation centers.

Ilan din sa kasama sa team ay eksperto sa Water, Sanitation, at Hygiene.

Nagsimula na ring magbigay ng counseling at psychosocial first aid ang Mental Health and Psychosocial Support Team ng DOH para matulungan na makabawi sa trauma na dulot ng kalamidad ang mga residenteng naapektuhan ng bagyong Tino.

Facebook Comments