13,000 residente ng Jolo, Sulu pabor na maging bahagi ng BOL ang Sulu

Sulu – Sa kabila na hindi dumalo sa ginawang grand assembly para sa Bangsamoro Organic Law ang Gobernador ng Sulu na si Gov. Sakur Tan at mayroon pa rin ang ayaw sa BOL sa Sulu.

Nagpahayag naman ng pagpabor ang labing tatlong libong mga residente ng Jolo Sulu na maging bahagi ng BOL ang Sulu.

Tumungo ang 13,000 mga residenteng ito sa isinagawang grand assembly para sa BOL sa Mindanao State University Gymnasium sa Jolo Sulu.


Ang grand assembly ay hosted ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Sa Speech ni OPPAP Sec Carlito Galvez Jr sa ginawang grand assembly nanawagan ito sa lahat ng mga residente ng Sulu, hindi lang sa Sulu maging aa lahat ng mga residente ng basilan, Maguindanao at cotabato province na magkaisa para pumabor sa BOL.

Facebook Comments