131 LGUs, nangako na ipapatupad ang Yakap Bayan Program ng DSWD

Nagkasundo ang 131 Local Government Units (LGUs) sa buong bansa at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagpapatupad ng Yakap Bayan Program (YBP).

Ang programa ay isang reintegration intervention strategy para sa mga rehabilitated Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs).

Isa umano itong holistic intervention para tulungan ang RPWUDS sa kanilang recovery journey at para mapadali ang kanilang reintegration sa kanilang mga pamilya at komunidad.


Pangunahing kontribusyon din ito ng DSWD sa paglaban ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Kasama sa pagpapatupad ng YBP ang pagbibigay ng mga serbisyong aftercare, tulad ng mga relapse prevention session, counseling session, health and fitness therapy, spiritual interventions, at skills training at iba pa.

Facebook Comments