Tututukan ng 133 police communicators ng Philippine National Police (PNP) ang mga isyung may kinalaman sa seguridad ng mga journalist na magsasagawa ng media coverage para sa 2022 National at Local Elections.
Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson Police BGen. Rhoderick Augustus Alba.
Sila ay mga Public Information Officers sa mga police offices sa regional, provincial, city at national headquarters.
Kaugnay nito, itinalaga ni PNP Chief General Dionardo Carlos si Police BGen. Alba ang head ng focal person sa national headquarters.
Bukod sa mga police communicators inatasan din ni Carlos ang 1,890 na chief of police nationwide na pangunahan ang PNP Media Security Vanguards sa mga municipal at city police station levels.
Facebook Comments