133 SENIOR CITIZENS NG SAN CARLOS CITY, BINIGYAN NG INSENTIBO

Umabot sa 133 senior citizens ng San Carlos City ang nakatanggap ng tig-₱10,000 na insentibo mula sa lokal na pamahalaan, bilang pagkilala sa kanilang presensya at ambag sa komunidad.

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga edad 80, 85, at 90 taong gulang.

 

Samantala, dalawang centenarian ang tumanggap ng tig-₱100,000 alinsunod sa programang nagbibigay-pagkilala sa mga senior citizen na umabot sa edad na 100.

 

Sakop ng payout ang mga may kaarawan mula Abril hanggang Mayo ngayong taon. Isinagawa ito sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), bilang bahagi ng adbokasiya ng pamahalaan na alalayan at pasalamatan ang mga matatanda.

 

Patuloy ang dedikasyon na ipagkaloob ang nararapat na suporta para sa kapakanan ng mga lolo at lola sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments