1,330 OFWs mula Middle East at Japan, dadating sa bansa ngayong araw

34

Limang batch ng Pinoy repatriates na binubuo ng 1,330 ang dadating sa bansa ngayong araw.

Ang 350 repatriates mula Riyadh via Philippine Airlines flight PR655 ay dumating kaninang alas-10:20 ng umaga.

200 repatriates naman mula Doha via Philippine Airlines flight PR685 ang dumating ng alas-10:35 ng umaga.

Alas-11:00 rin ngayong umaga ang arrival ng 300 repatriates mula Bahrain via Gulf Air flight GF154.

Ang 300 Pinoy repatriates naman mula Doha via Qatar Airways flight QR932 ay dadating mamayang alas-3:30 ng hapon

Ang huling batch naman na 180 repatriates mula Narita, Japan via Philippine Airlines flight PR427 ay dadating ng alas-4:00 ng hapon mamaya.

Facebook Comments