133RD SPOT | Pilipinas, bumaba ang ranggo sa world press freedom index

Manila, Philippines – Bumaba ang ranggo ng Pilipinas sa pagtataguyod ng malayang pamamahayag.

Batay sa 2018 world press freedom index ng media watchdog na Reporters Without Borders*,* mula sa dating 127th spot ay bumagsak ang Pilipinas sa 133rd spot sa 180 bansa na nasa listahan na may score na 42.53.

Ayon sa media watchdog, resulta ito ng mga banat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamahayag lalo na sa mga kritisismo sa kampanya kontra ilegal na droga.


Lumabas din sa report na ang Pilipinas ang ‘deadliest country for journalist’ sa Asya noong 2017 matapos patayin ang apat sa limang media workers na tinarget ng gunmen.

Nanatiling nangunguna ang bansang Norway sa pagtataguyod ng press freedom habang nananatiling nasa huli ang North Korea.

Facebook Comments