134-M pesos na utang sa lupa ng mga magsasaka sa Western Visayas mababayaran na, ayon sa DAR

Mababayaran na ng mahigit sa 3,500 na magsasaka sa Western Visayas ang kanilang utang sa lupa na nagkakahalaga ng mahigit sa 134.5 milyong pesos sa ilalim ng New Agrarian Emancipation Act.

Ito ay matapos na ipagkaloob ng Department of Agrarian Reform ang 3,565 certificates of condonation with release of mortgages (COCROMS).

Kabilang sa mga nakatanggap ng certificates ang mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa mga lalawigan ng Iloilo; Capiz; Antique; Guimaras at Aklan.

Ayon kay DAR Western Visayas Regional Director Leomides Villareal, ang hakbang na ito ay nagbigay-ginhawa sa mga ARBs na makalaya sa bayarin sa amortisasyon, interes at surcharges na naipon noong mga nakaraang taon sa mga lupaing iginawad sa kanila.

Aniya, layon nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DAR Secretary Conrado Estrella III na tuldukan ang pagkakabaon sa utang sa lupa ng mga magsasaka.

Tiniyak rin ng DAR ang patuloy na pagkakaloob ng makatarungan at pantay-pantay na suporta upang ang mga ARB ay magkaroon ng pagkakataong umunlad ang buhay.

Facebook Comments