Nakatakdang transport strike ngayong araw, walang malaking epekto sa mga commuters ayon sa pamahalaan

PHOTO: Badz Agtalao/IFM Dagupan

95% ng transport groups ay magpapatuloy ang operasyon ngayong araw.

Ito ang tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, matapos ang anunsyo ng transport group na Manibela na magsasagawa sila ng tigil-pasada.

Sa ulat ni Secretary Abalos sa Malacañang, sinabi nitong nakipagpulong siya sa transport groups na ‘Magnificent 7’ plus at UV Express Group o mas kilalang ‘Mighty One’ at nagpahayag ang mga itong hindi sila makikiisa sa tigil-pasada ngayong araw.


Ang ‘Magnificent 7’ ay mga transport group na Pasang Masda, the Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Stop and Go, and Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP).

Sinabi pa ng kalihim na natalakay rin sa pagpupulong ang isyu sa kotong.

Kaya naman bubuo aniya ang DILG ng technical working group para tutukan ang mga problemang ipinaabot ng mga transport group leaders.

Sa kabila naman na walang epekto sa public transportation ang tigil-pasada, nakahanda ang iba’t abang ahensya ng pamahalaan para i-monitor ang takbo ng transport strike ng Manibela.

Facebook Comments