Umabot sa 1,353 na katao sa lalawigan ng Pangasinan ang sasabak sa pagsusulit ng 2025 Philippine National Police Entrance (PNPE) and Promotional Examinations (PromEx) na pangangasiwaan ng National Police Commission.
Nagsimula nang inspeksyunin ang Pangasinan National High School kung saan isasagawa ang naturang eksaminasyon upang matiyak na mayroong magandang bentilasyon, seguridad at ligtas at magiging maayos ang aktibidad.
Ayon sa NAPOLCOM Region 1, nasa apatnaput anim na mga silid ang gagamitin, tatlumput anim dito ay gagamitin ng PNP entrance habang ang sampung silid naman ay gagamitin sa Promotional Exams.
Samantala,gaganapin ang nasabing eksaminasyon sa darating na April 27, 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments