Napauwi na sa kani-kanilang probinsya ang higit 136,000 Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ang pagpapauwi ng mga OFW sa mga probinsya ay bahagi ng hakbang ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang migrant workers na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang huling batch ng 2,667 OFWs ay ‘cleared’ na mula sa COVID-19 ay napauwi na nitong August 11.
Sa kabuuan, aabot sa 136,509 OFWs ang nabigyan ng tulong kasunod ng COVID-19 test at quarantine.
Kabilang sa mga tulong na ibinibigay ng DOLE sa mga returning OFW ay accommodation, food, transportation at COVID testing.
Pinalawig din ng DOLE ang one-time 10,000 pesos o 200 dollars cash aid sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) sa mga OFW na naapektuhan ng pandemya.