136K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASABAT NG AWTORIDAD SA LA UNION

Timbog ang isang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng awtoridad sa Aringay, La Union.

Nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng awtoridad mula sa suspek na itinuturing bilang isang Street level Individual sa usaping ilegal na droga.

Kabilang din sa nakumpiska ay 10,000 pesos cash, cellphone at iba pang ebidensya.

Nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang suspek at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments