137 indibidwal, patay sa pag-atake ng terorista sa Tahoua Region sa Niger

Tinatayang nasa 137 na indibidwal ang nasawi sa pag-atake ng isang rebeldeng grupo sa Tahoua Region sa Niger.

Nabatid na sakay ng motorsiklo ang mga umano’y terorista habang sinasalakay ng mga ito ang ilang village sa bansa.

Ayon kay Niger Government Spokesman Zakaria Abdourahamane, mariin nilang kinokondena ang nasabing pag-atake at sinabing ang mga grupong ito ay walang pananampalataya at walang kinikilalang batas.


Magpapatupad ng 3-day national mourning ang Nigerian Government bilang pagpugay sa mga nasawi.

Facebook Comments