137 Kolehiyo sa Tuguegarao City, Tumanggap ng Cash Assistance, Hygiene Kit

Cauayan City, Isabela- Masayang tinanggap ng 137 na College students mula sa barangay Ugac Norte sa Tuguegarao City, Cagayan ng tig-P2,000 at COVID-19 hygiene kit mula sa Sangguniang Kabataan (SK) ngayong araw ng Linggo.

Ayon kay SK Chairperson Vicmar Simangan, ang distribusyon ng ayudang pinansyal ay bahagi ng kanilang programang Balik eSKwela Kolehiyo Edition na layong suportahan at tulungan ang mga mag-aaral para sa kanilang online classes ngayong pandemya.

Ang naipamahaging tig P2,000 ayudang pinansiyal ay para lamang ngayong semestre at inaasahan pa na sa susunod na semester ay magkakaroon muli ng profiling ang SK.


Ayon pa sa SK Chairman, naging katuwang ng SK ang Kagawad ng kanilang barangay na si Tirso Mangada na siyang tumulong sa pagpaplano at pagpaplantsa ng kanilang mga programa.

Una nang namahagi ang SK ng school kits sa mga mag-aaral ng daycare nitong nakaraang Linggo.

Facebook Comments