1,379 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH ngayong araw!

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 1,379 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, sumampa na sa 3,999,226 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa, kung saan nakapagtala ng 21,215 ng aktibong kaso.

Pumalo naman sa 3,914,090 ang mga gumaling sa virus matapos makapagtala ng 1,357 na bagong mga naka-rekober.


Habang, 38 naman ang naitala ng DOH na panibagong nasawi dahil sa COVID-19, kaya naman umakyat na sa 63,921 ang kabuuang namatay sa sakit.

Facebook Comments