Pagbili ng Lia Hua Qing Wen, kailangan ng reseta mula sa doktor – DOH

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na kailangan ng reseta mula sa doktor kapag bibili ng Chinese Traditional Medicine na Lian Hua Qing Wen.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-iingat nila ang publiko lalo na at talamak ang pagbebenta ng nasabing gamot online at ipino-promote bilang gamot sa COVID-19.

Payo ni Vergeire sa publiko na bumili lamang sa mga awtorisadong drugstores.


Huwag aniya basta-basta iinom ng naturang gamot kung hindi ito inirekomenda ng doktor sa pasyente.

Nabatid na inaprubahan ang Lian Hua Qing Wen ng Food and Drug Administration (FDA) bilang “traditional medicine” para gamutin ang “heat toxin” invasion sa baga at iba pang sintomas tulad ng lagnat, sipon at pananakit ng mga kasu-kasuhan.

Una nang nilinaw ng FDA na ang gamot ay inaprubahan bilang gamot sa COVID-19.

Facebook Comments