139 na PDL registered voters sa Quezon City Jail, hindi nakaboto

Hindi nakaboto ang 130 persons deprived of liberty (PDL) registered voters sa Quezon City Jail Mail Dormitory sa katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay City Warden Jail Supt. Michelle Ng Bonto, ilan sa mga dahilan ay pagkakasakit o sumasailalim sa PTB treatment ang mga ito sa mga isolation cell at hospital confinement.

Habang ang iba naman ay nawala sa voters’ list, kawalan ng balota at inabutan ng Commission on Elections (Comelec) cut off.


Sa kabuuang 586 PDL registered voters sa loob ng pasilidad, 456 ang nakaboto.

Batay sa ulat ni Supt. Bonto, abot sa 1,234 PDL na registered voters ang botante ngayong eleksyon.

645 PDL sa kabuuang bilang ay nakalaya na at umasang nakaboto na rin sa kani-kanilang komunidad.

Nakaboto ang mga PDL sa loob ng jail facility dahil sa inilagay na special polling place ng Comelec.

Facebook Comments