Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ₱1.4-B para pondohan ang proyekto na naglalayon na maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Special Assistant to the Secretary (SAS) for Special Projects Maria Isabel Lanada, ang nasabing halaga ay gagamitin upang pondohan ang proyekto ng DSWD na Local Adaptation to Water Access (Project Lawa) at Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (Project BINHI).
Ayon sa opisyal ang Projects Lawa at Binhi ay isang proactive interventions at sustanableng paraan upang labanan ang kagutuman, food insecurity, water scarcity at paghihirap na mararanasan dulot na rin ng climate change at kalamidad.
Sa ginanap na pilot testing kamakailan, sinabi ni SAS Lanada na hindi lang patubig ang kailangan ng mga taong maaapektuhan ng El Niño kundi maging pagkain ay kailangan din.