Epekto ng weather conditions sa supply ng prime commodities, mahigpit na binabantayan ng pamahalaan

Mahigpit na tinututukan ng administrasyong Marcos ang epekto ng panahon sa supply ng prime commodities sa bansa.

Partikular dito ang pagkain at enerhiya kasunod ng pagtaas sa 3.7% ng inflation rate sa bansa para sa buwan ng Marso.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), patuloy na ipinatutupad ang strategic measures para pahupain ang inflation sa gitna ng epekto ng El Niño at paparating na La Niña.


Kabilang dito ang aktibong pagpapaabot ng tulong ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot.

Habang, nakatutok naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa suplay ng tubig.

Pinaghahandaan na rin ang epekto ng La Niña upang matiyak ang food and energy security, availability ng malinis na tubig at kaligtasan ng publiko.

Tiniyak naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na committed ang administrasyong Marcos sa pagkontrol sa inflation para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga Pilipino.

Facebook Comments